wazzup guys. im back again.
honestly nakalimutan ko na meron pala akong blog. i've been busy with life...pumasok sa work, matulog, kumain, kumain, kumain,magbuhat, magbuhat, at magbisikleta. since my last update here eto ang halos ginagawa ko araw araw. mundane ano?
as ive mentioned before nagbubuhat na ako eversince. hindi ko na matandaan kung anong taon ako nagsimulang magbarbell. i still remember na i did soooooo many sets of this and that thinking na magspurt ng growth at strenght sa katawan ko and maachieve yung coveted ng karamihan: 6 effing pack. well after those endless sets, tubs of protein powder and other bruhahahas it did grow but mostly adipose tissue (read: taba) haha. pambihira.
well what exactly has led me to the iron game? sa maniwala kayo't sa hindi its because of my bike. yep. bisikleta ang dahilan.
i am a skinny kid by nature. o yung tinatawag na ectomorph. iam weak and frail. sabi nila kumain lang daw ako ng kumain para magkalaman. i did before like ilang plato ng kanin at ulam and lata ng gatas. i remember before na ako halos ang umuubos ng gatas sa bahay. ewan ko bakit ayaw ng mga siblings ko.. although panaka naka nakikita ko din silang umiinom.. may namamapak pa nga e.. mix with asukal, tapos ang kaso hehehe. pero despite the eating e hindi pa dina ko tumaba..yung taba na parang michelin man.
simula nung matuto akong pumadyak nainlove ako sa bisikleta. yun nga lang hindi naman kami well to do family kaya hindi maafford ni erpat yung pambili ng bike. apat kaming magkakapatid na kailangan nyang palakihin sama mo pa si ermat. so imbes na bike.. bigas ulam at education na lang. buti na lang mabait yung kapitbahay namin kaya nakakahiram ako ng bike. yahoo.
pero nagkaroon kami ng bro ko ng isang bike. pinagtyagaan naming magipon para makabili ng isang bisikleta. well nagbunga yung pagtyatyaga at sakripisyo naming 2. hehehe. madami akong natutunan sa bike na yun.. from a bit of skills and maintenance.
so fastforward na tayo to the present. since my work na ako i bought my own bike. madalas na akong pumapadyak and mind you may schedule pa talaga. pero i know something is lacking in me. parang kulang ako sa power and strength. although i dont compete gusto kasi makita ang potential ko sa bike. kaya i turn into lifting weights. but little that i know na madami pala akong madidiskubre nung pinasok ko ang iron game.and honestly mas madami na yung oras na ginugol ko sa pagbubuhat keysa pagbababike.
eto pa lang yung simula...sa susunod ill tell you kung ano yung nadiskubre ko.
this will be a lengthy post kaya ill break it up into several parts. kaya weyt lang kayo.
No comments:
Post a Comment