Sunday, 9 October 2011

real steel

Tamang sisi ako kahapon kasi sana hindi na lang ako pumasok. huli na lang ng marealize ko na sana nagpahinga o natulog na lang ako at the comfort of my home (husss gusto mo lang manuod ng naruto at maglaro ng unchartered).

sabagay dagdag din sa kita yung pinasok ko kahapon kahit maghapon akong kumayod. bakit kaya ang pera ang hirap kitain tapos ang daling gastusin ano?

yun  buti na lang my pangbreak sa monotonous sched ko araw araw. nanuod ako ng sine. yep ako lang magisa.

matagal ko ng nakita yung trailer ng real steel. at first medyo skeptical ako. maganda kaya eto? robot fighters na kinokontrol ng humans? more like playing a video game to me. until nabasa ko sa am paper ang isang review o comment mula sa isang film critique dito. sa kaya 4 stars out of 5. at duon nagsimula ang interest ko. 4 out of 5 stars? hindi masama eto kung gayon.

so dumating yung saturday, of course hindi ako nanunuod ng sine ng walang popcorn (hah! kasalanan yan! kala ko ba strict ang diet mo?). muntik pa ngang maging buttered corn yung popcorn ko. akalain mo yun miss na miss ko yung popcorn tapos ipapakain sa akin e buttered corn!? buti na lang at naagapan kundi... (type mo yung cashier ano?-'di nga cute e! type ka dyan!)

all i can say is maganda yung movie. may mga points na medyo kurot sa akin. but what i really like is yung never give up attitude ni ATOM. oo kahit robot siya parang siyang may buhay.. he is not a fighter to me but a warrior who never gives up. naalala ko sa kanya si pareng Lance.. "pain is temporary, quitting last forever".
like ATOM on the canvass, ive experienced several instances in life where i was down and parang ang hirap bumangon. pero everything starts once you make that step up.  kasi kung hindi mo din tutulungan ang sarili mo paano na? pick yourself up and move on, kahit alam mo mahirap at first. di bale yung small steps pag inipon mo will become giant ones in the future. later on you'll just find yourself  na nalampasan mo yun. 'di ba?
and one thing, i really try to pull back my tears kasi naalala ko sa kanya yung anak ko (m referring to max). hirap ng malayo sa kanya (ayan drama ka na naman.. emo kaba?  - oi hindi naman siguro masama maglabas ng saluobin ano? tsaka eto nga yung purpose ng blog na eto e.)

the movie is about charlie(hugh jackman) an ex boxer who has shifted his career to robot fighting. think about UFC pero imbes na tao, robot yung naglalaban.this bots are controlled by humans, gaya ng sabi ko parang laro sa video game ba. lahat halos ng matches nya puro talo, until he met his 11 year old son, max (dakota goyo) from his ex wife na natsugi na. consequentially nakita ni max by accident si atom while scavenging for spare parts on a certain junkyard facility. in short kundi kay atom hindi marerenew yung bonding ng magama sa isat isa. i dont want to spoil you, basta panuorin nyo na lang (huss tinatamad ka lang magkwento e.)
overall, 4.5 stars out of 5 para sa akin ang movie na eto. salamat steven spielberg for producing a good movie.

No comments:

Post a Comment